for a pessimist, i'm pretty optimistic

  1. Hindi para sa’yo ‘to.

    The title sounds awkward ‘no? Bakit ko pinost dito kung ‘di naman pala para sa’yo ‘to? At bakit mo binabasa, ke-kulet! ‘di nga para sa’yo ‘to…. oh, sige… basa pa! Ayy! Sige. Dahil mapilit ka, tuloy lang. Hanggang sa ma-realize mo na hindi nga talaga para sa’yo ‘to.

    *buntong hininga*, napaisip akong bigla kung ano nga ba’ng tunay na diwa ng pasko. What’s the REAL meaning of CHRISTMAS?

    Para sa mga bata, eto ‘yung time na nagkalat sila para mangaroling at kantahin ang, what should I call  it — ang Pambansang Anthem during Caroling Days, ang “Sa’ming Bahay” este “Sa May Bahay”, kasunod ang “We Wish You a Merry Christmas”, “Noche Buena” at “Ang Pasko ay Sumapit” (Sh*t! Line-up ‘yan!) Eto rin ‘yung time na 6am pa lang, nagkukumahog na silang magbihis ng mga bago’t amoy factory pang mga damit para kumatok sa pinto ng mga natutulog pang ninong at ninang para humingi (that’s the word. HUMINGI) ng kanilang aginaldo, either regalo o pera, kung anong bukal sa bulsa este puso ng latter. Pero mas gusto ng bata ang pera. Oo, ganyan na ang mga kabataan ngayon. Required ang mga ninong magbigay ng malulutong na money bills… kapag barya ang binigay mo. Jusko, katakot-takot na reklamo (behind your back) ang matatanggap mo! Haha. :))

    Pagsapit ng December 16, sabik na sabik na ang lahat sa Simbang Tabi Gabi. Buong pamilyang nagsisimba’t nagdarasal… kinukumpleto ang 9 na gabi. Pagkatapos nito’y andyan nagkalat ang mga nagtitinda ng puto bumbong at bibingka, kasabay ng mainit na tsaa. Pero, syempre, hindi magpapahuli ang mga kabataan sa pag-attend ng simbang gabi, na siyang pakay naman talaga ay ‘di para magsimba  kundi makita ang kanilang mga barkada, at hindi lang yon, pati na rin kanilang mga jowa (Tama naman ‘di ba?) 

    Eto rin ang pagkakataon ng mga pamilya, o minsa’y mga angkan para mag-reunion. Tiyak na busog ka hindi lamang sa maraming pagkain, kundi pati na rin sa tawanan, reminisces at kwentuhan.

    Ngunit, hindi naman talaga para sa’tin ‘tong Pasko. Nakakalungkot isipin, na mas iniisip pa natin na kesyo kabilang tayo sa SMP, na mauubos ang pera natin dahil sa isang barangay mo ng inaanak, na tataba ka kakakain ng handa mo sa Noche Buena. Na mas pinabibigyang halaga ng tao ang aginaldong matatanggap niya sa pasko, na may date sila ng shota niya. Alarming ang ganitong sitwasyon. Hindi mo araw ‘to.

    Let’s all realize na merong pasko para sa KANYA — Kay Jesus Christ. Na siyang naging way ni Lord para maisave ang sanlibutan. Ika nga ng isang kanta, “Siya ang Star ng Pasko”. ‘Yan ang tunay na diwa ng Pasko.

    .. so naniniwala ka na? ‘di nga naman para sa’yo ‘to. It’s not about you, nor about me. It’s ABOUT HIM — Jesus Christ.

    May your CHRISTmas be filled with LOVE, JOY and HAPPINESS! Let JESUS be the CENTER of this Season :)



  2.