-
Dearest dad,

Dad, eto na ko ngayon.. college na ‘ko. Pangatlo na ko sa mga accountants mo. Alam ko kung nandito ka ngayon, proud na proud ka sa kin. Sayang nga e, sana kasama din kita nung garduation ko nung high school. Sana dalawa kayo ni nanay na umattend. Naalala ko tuloy nung grade 3 ako. Nung tinuruan mo ako ng division. Tapos di ko maalala ung mga steps, pinalo mo ako. Pero kinabukasan, pagbalik mo nun, ikaw ung naghanap ng gumamela para sa assignment ko sa Science. Namimiss ko na pag sinusundo mo ako sa school nun, tapos hahalik ako sa cheeks mo. Kapag inaayos mo ung mga paper albums ko nun, ikaw ung matiyagang nagpaplantsa nun by page. Nung nagpabili ako ng sardinas, tapos di ko naman kinain. Pag bago ka umalis, lagi mo kong sinasakay sa motor mo. Pati ung every Sunday lagi tayong umaalis.
Sana maibalik ung oras na nandito ka. Gustong-gusto ko pang iparamdam at sabihin sayo kung gaano kita kamahal. Wala ka man dito physically na nakita ang paglaki ko, at ni Nenek… alam kong nandyan ka. Hindi mo kami iniiwan. :)
Happy Father’s Day ule Dad. Alam kong masaya ka sa kinalalagyan mo ngayon. Mahal na mahal kita dad. Superrr!! :*
PS. Ako lang ang baby girl mo. :D
Love lots, Kaye